Tatlo patay, dalawa sugatan sa sunog sa Malinta, Valenzuela City

Tatlo ang patay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy Malinta sa Valenzuela City.

Ayon kay BFP CAMANAVA District Fire Marshall FSSupt. Rodrigo Reyes, ang mga nasawi ay may edad 53, 40, at 12 taong gulang.

Dalawa naman ang nasugatan, kabilang ang isang 37 taong gulang na lalaki na nagtamo ng sugat sa balikat at isang 8 taong gulang na lalaki na nagtamo ng second-degree burn sa hita at binti.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa Area 4 sa Pinalagad kaninang alas-12:08 ng tanghali.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out ng alas-5:40 ng hapon.

Facebook Comments