Tatlo patay habang 51 nawawala sa naganap na mudslide sa Myanmar

Mahigit 50 ang pinaniniwalaang nalibing ng buhay sa naganap na mudslide sa isang minahan sa Myanmar.

Tatlo na ang kumpirmadong patay habang 51 pa ang nawawala.

Nabatid na natutulog ang mga minero ng Jade Miners nang biglang gumuho ang isang “mud lake” sa Hpakant City.


Pahirapan naman ang isinasagang search and rescue operation ng mga otoridad dahil sa kapal ng putik na tumabon sa minahan.

Facebook Comments