Tatlo patay, habang isa pa ang nawawala sa lumubog na bangka sa Isabela

Isabela – Tatlo na ang naitalang patay habang isa pa ang nawawala sa 57 na sakay ng bangkang lumubog sa baybayin ng Sitio Dibinisa sa Barangay Didaddungan, Palanan, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Mylene Silva na residente ng Bataan, Joel Tuppil at Dimasalang Valenzuela na kapwa taga-Cauayan City, Isabela.

Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap kay Ronald Silva na residente rin ng Bataan.


Ayon kay Senior Inspector Mariano Manalo ng Palanan Police, galing sa Barangay Culasi, Palanan, Isabela at patungong dilasag , aurora province ang mb jamil passenger boat sakay ang 51 pasahero, 5 crew at kapitan ng bangka nang bigla na lamang tumaob dahil sa mataas na alon.

Nailigtas ang 53 katao, kabilang ang mga crew at kapitan.

Facebook Comments