Tatlo, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Antipolo City

109

Manila, Philippines – Patay ang tatlong tao matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay San Isidro, Antipolo City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Michael Cabintoy,27-anyos, Ricky De Pedro 33-anyos at ang 18-anyos na si Brotsky Abalona.

Ayon sa mga saksi, dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang bumaril sa mga biktima habang nakatambay sila sa harap ng bakery.

Nagawa pang makatakbo ng 18-anyos sa masikip at madilim na iskinita pero binawian din ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente kung saan ayon sa mga opisyal ng barangay na pawang mga drug runner ang mga biktima pero mariin naman iutong itinanggi ng mga kamag-anak.

Facebook Comments