Tatlo Patay sa Operasyon Kontra Droga

Tumba ang tatlong pinaghihinalaan matapos manlaban sa pinagsamang elemento ng PDEA Region 2 at PNP Alcala Cagayan sa isang matagumpay na drug buy bust operation.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team mula sa PDEA Region 2, nagsagawa ang pinagsamang puwersa ng PDEA at PNP at nagresulta sa pagkamatay ng tatlong indibidwal. Dalawa ang nakilala na sina Hasim Cali y Pandaag ng Purok 6, Pampang, Angeles City, Asnali Datu y Mangondaya ng Quezon City at isa pang di pa kilalang indibidwal.

Isinagawa ang busy bust operation noong Agosyo 14, 2017 bandang 10:00 ng gabi sa Barangay Tupang, Alcala, Cagayan na nagresulta sa shootout nang manlaban ang mga suspek.


Nakumpiska mula sa pinangyarihan ng shootout ang isang(1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu. Ito ay mag timbang na 2.5 gramo at nagkakahalaga ng labing anim na libong piso (P16,000.00).

Agad namang rumesponde ang SOCO ng Regional Crime Laboratory Office 2 para suriin ang pinangyarihan ng barilan.

Napag alaman ng RMN News Team na walang napaulat na nasugatan o tinamaan sa hanay ng mga otoridad.

Facebook Comments