Tatlo, patay sa pananalasa ng bagyong Hato sa Macau

World – Umabot na sa tatlo ang nasawi sa Macau habang nasa 34 tao ang sugatan sa hong kong dahil sa pananalasa ng typhoon hato.

Dahil sa maximum category 10 na bagyo ang typhoon hato, nabuwal ang malalaking puno dulot ng malalakas na hangin at bumaha rin ang mga lansangan dahilan para magsara ang mga negosyo.

Nasa 450 flights din ang kinansela habang suspendido rin ang transport services kabilang na ang ferries sa gaming hub ng Macau at outlying islands sa Hong Kong.


Nabatid na noong 2012 pa unang tumama ang category 10 storm sa Hong Kong.

Facebook Comments