Zamboanga City, Philippines – Na-relieve na ang imbestigador ng women section ng police station 11 matapos nitong i-release ang tatlo sa anim na suspek ng gang rape sa isang dalaga sa Zamboanga City.
Ayon sa hepe ng Tetuan Police Superintendent Nonito Asdai, na siyang namuno sa operasyon upang maaresto ang anim na suspek habang isa ang nakatakas, na dismayado siya sa decsisyon ng imbestigador na si SPO2 Aripin dahil hinde dumaan sa tamang proseso.
Matatandaan noong May 18 ng madaling araw nang sumugod sa himpilan ng pulisya sa Tetuan ang 20-anyos na dalaga para i-report na ginang rape siya ng pitong mga suspek sa isang dormitory dito sa lungsod.
Agad naman nagsagawa ng pursuit operasyon ang pulisya laban sa mga suspek kung saan anim ang naaresto.
Ayon naman sa alkalde ng lungsod ng Zamboanga Beng Climaco, agad niyang pinasailalim sa psychiatric procedure ang biktima at kinukwestyon rin niya ang pagpapalaya sa tatlong mga suspek.
Nilinaw naman ni Asdai na ang prosecutor lamang ang siyang may karapatan upang mag validate sa mga suspek at magbigay ng order upang palayain ang mga ito.
Pinapaliwanag naman ang imbestigador sa kanyang ginawa, dahil ang anim na suspek at isang nakatakas positibong tinuro ng biktima.
DZXL558, Melanie Guanzon