
Sumalang na sa preliminary investigation ng QC Prosecutor’s Office ang tatlo sa apat na suspek sa Mollenido double murder case.
Ito’y kaugnay sa dalawang bilang ng kasong robbery with homicide at theft na isinampa laban sa kanila.
Dumalo sa paglilitis ang mga pangunahing suspek na sina Christian at Pia Katrina Panganiban, kasama ang kanilang helper na si Gil Dy Jr.
Ang kapatid ni Christian na si Maribel Panganiban, na boluntaryong sumuko sa pulisya, ay hindi kasama sa sumasailalim sa preliminary investigation kanina dahil ipinoproseso pa ang kanyang mga dokumento.
Nagtulungan umano ang apat sa brutal na pagpatay sa policewoman na si Diane Marie Mollenido at sa kanyang walong taong gulang na anak.
Nasa kustodiya ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ang apat na suspek.










