34 percent o tatlo sa bawat sampung adult Filipinos ang hindi alam kung paano tumatakbo ang party-list system sa bansa.
Ito ang lumabas sa resulta ng isinagawang Tugon ng Masa National Survey ng OCTA Research mula nitong Hulyo 12 hanggang Hulyo 18.
Batay sa mga datos, 66 percent dito ang aware habang 5 percent ang wala namang balak bumoto sa kahit anong party-list group.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, binuo ang party-list system para kumatawan sa iba’t ibang sektor sa bansa lalo na sa mga itinuturing na disanvantaged groups.
Facebook Comments