Naniniwala ang tatlo sa bawat 10 Pilipino na mananatili o walang pagbabago sa kalidad ng kanilang personal na buhay sa susunod na 12 buwan.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 33% ng adult respondents ang nagsabing walang pagbabago sa kanilang quality of life sa susunod na isang taon.
Lumabas din sa survey na halos magkaparehas ang bilang ng mga Pilipinong umaasang gaganda ang kanilang buhay o mga ‘optimist’ at mga Pilipinong nagsasabing lalala pa ang kanilang buhay o mga ‘pessimist.’
Nasa 32% ang optimists kumpara sa 30% pessimists.
Katumbas ito ng Net Optimism Score na +2 kumpara sa -10 noong July 2020.
Ang national mobile phone survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20 sa 1,249 adult Filipinos.
Facebook Comments