Tatlo sa bawat limang Pilipino, naniniwalang may matinding responsibilidad ang pamahalaan sa pagresolba ng COVID-19 crisis, ayon sa SWS survey

Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na mayroong matinding responsibilidad ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 crisis.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 60% ng mga Pinoy ang naniniwalang ang national government ang may responsibilidad sa pagresolba ng pandemya.

Lumalabas din sa survey na 23% ang naniniwalang ang local government at hindi ang national government ang mas mayroong responsibilidad sa pagtugon sa krisis.


Nasa 14% ng respondents ang nagsabing ang national at local governments ay parehas na mayroong responsibilidad.

Marami ang nagsabing mas mayroong responsibilidad ang national government sa Metro Manila na nasa 61%, habang kapwa nakakuha ng 60% ang Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang non-commissioned survey ay isinagawa mula July 3 hanggang 6 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interview sa 1,555 adult Filipinos na may edad 18-anyos at pataas sa buong bansa.

Facebook Comments