
Tatlong katao ang nasugatan matapos ang aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo at isang pedestrian sa Burgos, Pangasinan bandang alas-7:20 ng gabi noong Pebrero 8, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang motorsiklo ay minamaneho ng isang 18-anyos na lalaki, may hawak ng student permit at nakasuot ng protective helmet. Sakay niya ang isang 53-anyos na ginang at isang anim na taong gulang na bata, na kapwa walang suot na protective helmet.
Habang tinatahak ng motorsiklo ang nasabing kalsada, isang 41-anyos na security guard ang biglang tumawid sa kalsada na aksidenteng nabangga ng motorsiklo.
Bunga ng insidente, nagtamo ng iba’t ibang pinsala sa katawan ang drayber ng motorsiklo, ang backride, gayundin ang pedestrian at agad naisugod sa ospital katuwang ang mga rumespondeng pulis, upang mabigyan ng agarang lunas medikal.
Nagtamo rin ng pinsala ang motorsiklo na sangkot sa insidente na dinala sa himpilan para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon, habang patuloy pang tinataya ang halaga ng pinsalang natamo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang pangyayari at upang magsilbing paalala sa publiko ang kahalagahan ng pag-iingat sa kalsada at pagsunod sa mga patakaran sa kaligtasan sa pagmamaneho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










