Tatlo sugatan sa pagkahulog ng mixer truck sa bangin sa Dinalupihan, Bataan

Tatlong katao ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang mixer truck sa matarik na kurbada ng Tipo Road sa Bataan.

Bumangga muna ang truck sa isang nakaparadang L3 vehicle at sa isang karinderya bago ito tuluyang nahulog sa bangin.

Kabilang sa mga nasugatan ang pahinante ng truck, babaeng tindera ng karinderya, at lalaking customer na noo’y kumakain.

Tumalon umano ang driver bago mahulog ang sasakyan, ngunit ang tatlong biktima ay nadamay at nahulog kasama ng truck. Agad silang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng rescue teams.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente habang inaalam pa ang kalagayan ng mga sugatan.

Facebook Comments