Tatlo, sugatan sa salpukan ng ambulansya at bus sa Quezon City

40

Tatlo ang sugatan sa salpukan ng ambulansya at bus sa Mindanao Avenue sa intersection ng Congressional Avenue.

Ayon sa Quezon City rescue, hindi namalayan ng bus ang paglusot ng ambulansya.


Ang tatlong sugatan ay sakay ng ambulansya.

Isa rito ay dinala sa Quezon City General Hospital dahil sa tinamong sugat sa ulo.

Patuloy namang nag-iimbestiga ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3 hinggil sa nangyaring sakuna sa daan.

Facebook Comments