Thursday, February 5, 2026

TATLO SUGATAN SA SALPUKAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA ISANG KURBADA SA SANTO TOMAS, PANGASINAN

Tatlong katao ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa isang kurbada sa bayan ng Santo Tomas, Pangasinan, gabi ng Pebrero 4, 2026.

Ayon sa paunang imbestigasyon, patungong kanluran ang isa sa dalawang motorsiklo na minamaneho ng isang 36-anyos na lalaking heavy equipment operator at residente ng Santo Tomas, angkas ang kaniyang 35-anyos na misis.

Patungong silangan naman ang isa pa na minamaneho ng isang 35-anyos na lalaking construction worker at residente rin ng nasabing bayan.

Pagdating sa lugar ng insidente, partikular sa isang matarik na kurbada, nawalan umano ng kontrol ang driver ng Suzuki Smash at pumasok sa linya ng kasalubong na motorsiklo, na naging sanhi ng banggaan.

Dahil sa insidente, kapwa nagtamo ng mga sugat ang dalawang driver at ang backride. Lahat ng nasugatan ay agad na dinala sa pagamutan para sa karampatang medikal na atensyon.

Nagtamo rin ng pinsala ang parehong motorsiklo na kapwa walang nakakabit na plaka. Dinala ang mga ito sa Santo Tomas Police Station para sa wastong disposisyon habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments