
Sunod-sunod ang naging operasyon ng mga pulis sa Pangasinan kahapon, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong wanted persons sa loob ng lalawigan at sa Benguet.
Isang 41-anyos na lalaking tricycle driver mula Mabini, Pangasinan, ang inaresto sa pinagsamang operasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya.
Ayon sa report, nahuli sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft na walang piyansa ang ang lalaki at kasalukuyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group RFU14 sa Benguet para sa dokumentasyon bago i-turn over sa korte.
Samantala, isang 43-anyos na lalaking residente ng Bani, ang inaresto pwersa ng Alaminos CPS at Regional Intelligence Division PRO1. Nahaharap ang suspek sa kasong Theft na may piyansang ₱10,000. Kasunod nito, sa parehong bayan, isang 41-anyos na babae ang timbog sa parehong kaso na may piyansa ring ₱10,000.
Dagdag dito, arestado rin sa kasong paglabag sa Qualified Theft ang isang babae sa Basista, Pangasinan sa bisa ng Warrant of Arrest noong Lunes kung saan ₱30,000 ang inirerekomendang piyansa rito.
Lahat ng mga naarestong indibidwal ay kasalukuyang pinoproseso at ihaharap sa korte para sa mga kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









