Thursday, February 19, 2026

TATLO TIMBOG SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA POZORRUBIO

Tatlong indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng Pozorrubio Municipal Police Station sa bayan ng Pozorrubio kaugnay ng ilegal na droga.

Sa unang operasyon, nasamsam mula sa isang 37-anyos na lalaki ang tinatayang isang gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱6,800, na nakalagay sa dalawang pakete.

Sa ikalawang operasyon, nahuli ang isang 41-anyos na lalaking tricycle driver at nakumpiska ang humigit-kumulang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱10,200, na nakalagay sa tatlong plastic sachet.

Samantala, sa ikatlong operasyon, naaresto ang isang 36-anyos na lalaki matapos makuhanan ng isang gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱6,800 at nakalagay sa dalawang plastic sachet.

Sa lahat ng operasyon, isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa mismong lugar sa presensya ng mga itinakdang saksi, alinsunod sa umiiral na batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kaso ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments