Tatlong aktibidad, pangungunahan ni Pangulong Marcos ngayong araw

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ang tatlong pampanguluhang aktibidad.

Alas-9:00 ng umaga, ay magtutungo sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City si Pangulong Marcos para pangunahan ang 1st Semester Armed Forces of the Philippines Command Conference.

Matapos nito, ay biyaheng Calbayog, Samar naman ang pangulo para mamahagi ng Presidential Assistance sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño.


Magsisimula ang pamamahagi ng ayuda ng alas-11:00 nang umaga sa Northwest Samar State University.

Habang mamahagi rin ng ayuda ang pangulo sa Leyte Academic Center, Palo, Leyte pagdating ng alas-2:00 nang hapon.

Matatandaang target ng pangulo na suyurin ang nasa higit 80 probinsya sa bansa na lubhang naapektuhan ng nagdaang El Niño.

Noong nakaraang linggo ay binisita ng pangulo ang mga magsasaka at mangingisda sa Western Visayas, Negros Region, Bohol, at Cebu.

Facebook Comments