Tatlong araw na 2024 CSR Expo, naging matagumpay

Pormal nang nagtapos ang tatlong araw na 2024 CSR Expo na may temang “Reimagining A New and Inclusive Future”.

This slideshow requires JavaScript.

Kabilang sa natalakay sa forum ang transpormatibong epekto ng teknolohiya sa core areas ng League of Corporate Foundations (LCF).


Sa ginanap naman na 6th Guild Awards, kinilala ang mga foundation o organisasyon sa kanilang natatanging kontribusyon sa mga komunidad.

Naging tampok naman sa thematic breakout sessions ang hinggil sa Health, Enterprise Development, Environment, Education, Disaster Resilience, Arts and Culture, at Financial Inclusion.

Sa mga sesyon na ito, nagtulong-tulong ang mga foundation para paunlarin ang mga inisyatiba at ibahagi ang mga best practice sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ang RMN Foundation ay limang taon nang lumalahok sa CSR EXPO ng League of Corporate Foundation.

Facebook Comments