Monday, February 9, 2026

Tatlong araw na intensive bootcamp na naglalayong palakasin ang aviation safety, isinagawa ng CAAP

Matagumpay na isinagawa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang tatlong araw na intensive bootcamp sa Talisay, Batangas.

Ayon kay CAAP Director General Raul del Rosario, layon ng aktibidad na palakasin ang aviation safety.

Sinabi ni Del Rosario na mahalagang makamit ang tiwala ng publiko sa kanilang serbisyo, ang tiwala ng pandaigdigang komunidad ng aviation, at ang tiwala rin sa isa’t isa bilang organisasyon.

Kasabay nito, pinagtibay ng CAAP ang kanilang commitment sa tuloy-tuloy na pagpapabuti at mahigpit na pagsunod sa international aviation safety standards.

Kabilang pa sa mga tinalakay ang pagpapatatag ng technical compliance sa Universal Safety Oversight Audit Program bilang paghahanda sa pag-audit ng International Civil Aviation Organization (ICAO) member states na isasagawa sa buwan ng Setyembre.

Kasama pa rito ang best practices at compliance strategies mula sa iba pang audit simulation exercises at regulatory reviews upang lalo pang mapaigting ang kahandaan at kahusayan sa operasyon.

Facebook Comments