Tatlong araw na JobQuest PH Virtual Jobs Fair, aarangkada na

Naghahanap ka pa rin ba ng trabaho? Pero hindi ka makalabas dahil sa ECQ, baka ito na ang sagot sa problema mo dahil maari kang mag-apply kahit sa loob lang ng bahay?

Gamit ang inyong mobile phones, laptops at tablets mag-apply na sa tatlong araw na JobQuest PH Virtual Jobs Fair na magsisimula ngayong August 10 hanggang August 12, 2021 mula alas-9am hanggang alas-9pm.

Labing isang kompanya mula sa BPO, real estate, bank, insurance, retail at local manpower agencies ang kalahok rito.


Kabuuang 2,100 naman ang bakanteng trabaho na pwedeng aplayan ng mga aplikante.

Mag-register lamang sa www.jobquest.ph at idownload ang app na JobQuestPH sa Google Play or App Store.

Handog ito sa inyo ng JobQuestPH, Department of Labor & Employment, Public Employment Service Office at ng inyong official radio partner DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanap-buhay.

Facebook Comments