Tatlong araw na JobQuestPH Virtual Jobs Fair, aarangkada na ngayong araw

Tambay ka pa rin ba? Ito na ang sagot sa problema mo… Magkatrabaho bago mag-Pasko!

Gamit ang inyong mobile phones, laptops at tablets, mag-apply sa tatlong araw na JobQuestPH Mega Virtual Jobs Fair na magsisimula ngayong araw, November 11 hanggang November 13, 2021 mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ayon sa interview ng RMN Manila kay Summer Reyes-Carullo, senior marketer ng MYMIMA web portal services ng JobQuest.PH, iba’t ibang kompanya ang lalahok sa nasabing jobs fair kung saan kabuuang 1,135 ang bakanteng trabaho na pwedeng aplayan.


Libre ito, kaya mag-sign-up lamang sa www.jobquest.ph dahil ongoing pa rin ang registration.

Handog ito sa inyo ng JobQuestPH, Department of Labor & Employment (DOLE), Public Employment Service Office (PESO) at ng inyong official radio partner DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanapbuhay.

Facebook Comments