Inihayag ng Quezon City government na tatlong araw na tuloy-tuloy na vaccination ang isasagawa ng Local Government Unit (LGU) sa lungsod simula ngayong araw, Enero 24 hanggang a-26 ngayon taon.
Base sa abiso ng LGU, 13 vaccination sites ang bubuksan sa unang araw para magbigay ng first at second dose ng COVID vaccine sa mga minor at booster shots sa adult’s population.
Ayon sa LGU bukas, Enero a- 25, labing dalawang Vaccination Sites naman ang kanilang bubuksan sa iba’t ibang lugar din sa lungsod para magbigay ng bakuna.
Sa huling araw ng vaccination, mas tututukan ng LGU ang pagbibigay ng booster shots sa 14 na bubuksang Vaccination Venues.
Paliwanag ng LGU ang isasagawang mass vaccination ay bahagi pa rin ng mas pinalakas at pinaigting na pagba-bakuna ng Quezon City government ngayong buwan ng Enero.