World – Idineklara ni Mexico President Enrique Pena Nieto ang tatlong araw na pagluluksa matapos ang pagtama ng magnitude 7.1 na lindol.
Ayon kay Nieto, pumalo na sa 225 ang nasawi matapos ang pagyanig.
Aniya, prayoridad nila ngayong ang isinasagawang rescue operations para mailigtas ang iba pang naipit sa mga bumagsak na gusali.
Sinusubukan na rin aniya ng gobyerno na maibalik ang supply ng kuryente.
Nabatid na ilang oras bago tumama ang lindol, nagkaroon pa ng seremonya sa Mexico para gunitain ang magnitude 8.0 na lindol na tumama sa kanila noong 1985.
Facebook Comments