Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Carlos ang tatlong araw na suspensyon sa lahat ng klase at trabaho sa lungsod para sa selebrasyon ng Mango-Bamboo Festival 2023.
Sa bisa ng Executive Order No. 2023-046B, Series of 2023, na nagpapatupad sa suspensyon ng lahat ng klase ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo sa publiko man o pribadong paaralan maging ang mga pasok sa trabaho ng mga manggagawa sa lahat Local Government Offices at National Line Agencies sa bisinidad ng San Carlos City nitong araw ng April 27 hanggang April 29, 2023.
Sa naturang EO, hindi na sakop ang mga tanggapan na kailangan sa seguridad gaya na lamang ng PNP at sa pagresponde tulad ng MDRRMO, POSO, CHO, CEO, GSO AT CSWDO.
Layunin ng EO na ito upang magkaroon ng pagkakataon ang mga residente ng lungsod na makilahok sa lahat ng mga aktibidad sa obserbasyon ng kanilang kapistahan.
Samantala, sa naging panayam ng IFM Dagupan sa alkalde ng lungsod na si Mayor Jullier “Ayoy” Resuello na handa na ang lahat ng mga kapulisan at mga force multipliers para sa seguridad ng sinumang bibisita sa lungsod.
Inaanyayahan naman na maaaring makilahok at makisaya sa naturang selebrasyon ng kanilang kapistahan ngayon taon. #ifmnews
Facebook Comments