Tatlong araw na walang suplay ng tubig, magsisimula na ngayon sa ilang lugar sa Luzon; 61,000 service connections sa Maynila, pinakaapektado!

Aabot sa 421,000 service connection ng Maynilad ang mawawalan ng tubig simula ngayong araw.

Magtatagal ito ng 12 oras hanggang 3 araw na magaganap sa Maynila, Parañaque, Las Piñas, Pasay, Makati at ilang lugar sa Cavite tulad ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.

Pinakaapektado ng kawalan ng suplay ng tubig ang Maynila kung saan aabot sa 61,000 service connection sa Sampaloc, Ermita, Paco, Pandacan, Sta. Ana at Quiapo ang makakaranas ng tatlong araw ng service interruptions.


Ayon kay Maynilad Water Supply Operations Head Engr. Ronaldo Padua, ang pansamantalang pagputol ng suplay ng tubig ay bilang daan sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil nakaharang sa gagawing flood control project.

Nitong October 25 dapat isinagawa ang water interruption pero may mga nakiusap na itapat ito sa Undas dahil inaasahan ang maraming uuwi ng probinsya.

Sa ngayon, tiniyak ng Maynilad na may sapat na suplay ng tubig ang mga ospital na maaapektuhan ng water service interruption gamit ang 65 water tankers ng Maynilad na iikot din sa ibang apektadong lugar.

Facebook Comments