Tuluyan nang nagbalik loob sa pamahalaan ang Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Ang mga ito ay sumuko sa Naval Forces Western Mindanao kamakalawa.
Ayon kay Brig. Gen. Arturo Rojas, Acting Commander ng Western Mindanao Command, pinangasiwaan ng Naval Forces Western Mindanao at Joint Task Forces Basilan ang pag-surrender ng mga dating terorista na kinilalang sina alias Abu Dijana, alias Madz at alias Jay na pawang kasapi ng paksyon ng yumaong si Isnilon Hapilon.
Kasabay ring isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng M16A1 rifle, M14 rifle at Garand rifle.
Sinabi pa ni Gen. Rojas na ang mga surrenderee ay nai-turnover na sa Joint Task Force Basilan para sa proper documentation at paghahanda para sila ay mapasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.