Tatlong aspeto ng seguridad na apektado ng panggigipit ng China sa WPS, inilatag ni Sen. Lacson

Hindi lang isa o dalawa kundi tatlong aspeto ng seguridad sa bansa ang apektado ng patuloy na panghihimasok ng China sa ating territorial waters sa West Philippine Sea.

Kabilang sa tinukoy ni Presidential Aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson ang national security, food security, at economic security.

Ayon kay Lacson na pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security, kailangan ng mas aktibong hakbang na gawin ng gobyerno para mahikayat ang international community na i-pressure ang China na sumunod sa arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas.


Muli ring isinulong ni Lacson ang pagkakaroon ng balance of power sa rehiyon kasama ang mga kaalyado nating bansa na may lakas militar tulad ng United States, Australia at European Union.

Sinabi ito ni Lacson sa pagdinig nang inihain niyang Senate resolution number 954 na nagkukundena sa panghihimasok ng China sa ating teritoryo at Exclusive Economic Zone sa WPS, at Senate Bill 2289 kung saan siya rin ay co-author kasama ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tumutukoy sa maritime areas ng Pilipinas.

Facebook Comments