Tatlong babae, arestado sa paglalaro ng tongits sa Muntinlupa City

Huli ang tatlong babae sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa San Francisco Street, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Sila ay inaresto matapos maaktuhang naglalaro ng tongits.

Kinilala ang mga ito na sina Maria Rosario Diche, 41-anyos, Ferlin Abarquez, 52-anyos at Josephine Tero, 41-anyos.


Nakuha sa kanila ang 250 pesos na bet money at isang deck of cards o baraha.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments