TATLONG BABAE SA SAN FERNANDO, LA UNION, ARESTADO SA ILIGAL NA PAGSUSUGAL

Tatlong babae ang naaresto sa lungsod ng San Fernando, La Union matapos maaktuhang sangkot sa ilegal na pagsusugal kahapon, December 3, 2025.

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga awtoridad sa isang sumbong ukol sa illegal gambling activity sa lugar.

Naabutan nila ang tatlong suspek, may edad 30, 27, at 34, na naglalaro ng “Tong-its,” isang paglabag sa City Ordinance No. 3, Series of 1970.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang set ng playing cards at ₱221 na taya.

Dinala ang mga naaresto at ang nakumpiskang ebidensya sa San Fernando City Police Station para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments