Tatlong babae ang naaresto matapos mahuling naglalaro ng tong-its sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Sto. Tomas, La Union.
Ayon sa awtoridad, naabutan ang mga babae, edad 55, 66, at 63, pawang mga residente ng bayan, na aktwal na naglalaro ng ipinagbabawal na sugal na malinaw na paglabag sa Municipal Ordinance No. 1-2019.
Nakumpiska mula sa kanila ang isang set ng plastic playing cards at kabuuang ₱830 na pusta.
Naisyuhaan naman ng citation tickets ang tatlo para sa kaukulang pagproseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









