TATLONG BABAENG MAGKAKAPATID AT ISANG LALAKI, ARESTADO SA PAGNANAKAW NG CELLPHONE SA KASAGSAGAN NG BANGUSAN STREET PARTY

Nabisto ng awtoridad ang pagnanakaw ng cellphone sa kasagsagan ng Bangus Festival Kalutan Ed Dalan sa Dagupan City matapos isangguni ng isang estudyante ang insidente.

Ang mga suspek,tatlong babaeng magkakapatid at isang lalaki pawang residente ng Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natunton sa bisa ng isang mobile application ang kinaroroonan ng mga suspek matapos tangayin ang selpon ng biktima.

Makikita na mula sa Dagupan City ay tila sumakay ang mga suspek sa bus patungong Pasay kung saan naharang ng awtoridad ang bus na sinakyan ng mga ito sa Rosales.

Nakumpiska sa mga suspek ang 48 unit pa ng cellphone na pinaniniwalaang ninakaw din ng mga suspek.

Kulong ang mga ito at nasa kustodiya na ng awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon sa posibleng ilegal na aktibidad ng mga suspek sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments