Tatlong Bagay na Gusto mo ng Tangayin ng Bagyo sa Buhay Mo

Minsan dahil sa mga nararanasan natin sa buhay mas gusto nalang nating takasan. Nang dahil sa usapan natin sa iFM Kulitan sa Umaga kasama si Josh Dado at Boom Tere madami ang nagreact at nag share sa kung ano ang Tatlong Bagay na Gusto nilang tangayin ng Bagyo sa Buhay nila.

Nasabi ni Bes John na gusto daw niyang tangayin ng bagyo ang make up kit ng gf niya, lalo na yung pangkilay at lahat ng problema nila.

Nasabi din ni Bes Daryll na gusto din niyang tangayin ang masamang ugali niya, ang pagiging playboy at babaero.


Taba, Utang at Pinagkakautangan ni Kuya George naman.

Sakit, Kalungkutan at Kamalasan si Mylene.

Nakakatuwang isipin na ang mga ganitong bagay naibabahagi ng mga Bes natin ang kanilang saloobin na nakapagpapasaya sa iba pang tagapakinig.

Kapag narinig ang salitang bagyo madalas takot ang nararamdaman pero mas maiging isipin nalang na sanhi din ito para maging mas matatag ang samahan.

Abangan palagi ang usapan at kulitan sa umaga makinig lang sa 99.5 iFM, ang BestFriend Mo, SuPaiAh!

Facebook Comments