Tatlong bagong batas, nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos

 

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang RA 11965 o “Philippine Salt Industry Development Act,” para palakasin pa ang industriya ng pag-aasin sa bansa.

Alinsunod sa naturang batas, bubuo ng “Salt Council” ang pamahalaan upang matiyak na iisa ang pagpapatupad ng salt roadmap, at mapabilis ang modernisasyon at industriyalisasyon salt industry.

Bukod dito, nilagdaan din ng pangulo na ang “New Philippine Passport Act” o Republic Act No. 11983, na nagsusulong ng mga mas modernong paraan para sa pagkuha ng passport sa bansa.


Sa ilalim nito, inaatasan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magtatag ng online application portal at electronic one-stop shop.

Maging ang paglalaan ng off-site at mobile passport services sa mga lugar sa labas ng consular office at foreign service posts.

Bibigyan din ng prayoridad ang mga application para sa regular na passport ng mga senior citizen, Persons With Disabilities (PWD), buntis, menor de edad na 7-anyos pababa, solo parents, Overseas Filipino Worker (OFW) at mga indibidwal na may emergency.

Samantala, ganap na ring batas ang Republic Act No. 11984 o “No Permit, No Exam Prohibition Act” na nagbibigay-mandato sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan na payagan ang kumuha ng pagsusulit ang mga mag-aaral na hindi nakapagbayad ng tuition fee at iba pang school fees.

Facebook Comments