Pwede nang gamitin ng mga motorista ang EDSA median bus stops sa North Ave., Quezon Ave. Station at Q-mart.
Ito ay matapos pormal nang binuksan ang ang nasabing bus stop para sa karagdagang gagamitin ng mga pasahero sa EDSA Busway.
Ayon kay Edison “Bong” Nebrija, EDSA Traffic and Transport Zone Head ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lalong mapapadali ang mga biyahe ng mga commuter na sumasakay ng mga bus na dumadaan sa EDSA busway.
Dahil dito, derestso na ang biyahe ng bus mula mula North Avenue hanggang Buendia kung Southbound at mula Kalayaan hanggang dulo ng North Ave. kung Northbound.
Dapat aniya tatlong minuto lamang ang ititinatagal ng isang bus sa bus stop.
Sa ngayon, may 184 na bus ang dumadaan sa EDSA bus way.
Ito ay ang 90 bus mula sa MRT augmentation bus at ang 194 na bus para naman sa ESDA carousel route.