Baguio, Philippines – Sa bagong tala na kaso ng Corona Virus Disease (Covid-19) dito sa lungsod ng Baguio ngayong araw, tatlo ang nagpositibo sa naturang sakit.
Isa sa mga nagpositibo ay ang 30 anyos na babae na nagtatrabaho bilang service crew at residente ng Purok 14, Lower Cypress,Irisan, at isang 54 anyos naman na babaeng residente ng Lopez Jaena, na sa kasawiang palad ay dead-on-arrival na noong naisugod sa Baguio General Hospital and Medical Center.
Ayon sa imbestigasyon ng City Health Services Office,ito ng hypertensive at nakakaramdam ng pananakit ng dibdib noong dadalhin na siya sa ospital, dahil sa kanyang simtomas, nagsagawa ng swab test at lumabas na nagpositibo sya sa Covid-19.
Pangatlo sa nagpositibo ay isang police, na nagpakilalang si Police Corporal George Pumay-o, 28-anyos, mula sa Purok 2, Poliwes, Baguio City at miyembro ng La Trinidad Municipal Police Station kung saan nakumpirma sa resulta mula kanyang swab test sa isinagawang swab testing para sa mga frontliners kahapon.
Sumang-ayon siyang ipakilala ang kanyang sarili para mas mapabilis pa ang contact tracing at ang dalawang nagpositibo ay kasalukuyang naka-isolate na at nakaquarantine