Nalagdaan na ng Pilipinas at Australia ang tatlong kasunduan na mas magpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.
Partikular dito ang kasunduan sa Maritime, Cybersecurity, at Trade o kalakalaan.
Sa joint statement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na sa pamamagitan ng tatlong bagong kasunduan ay mas lalakas pa ang information sharing capability building sa aspeto ng interoperability in the maritime domain ng Pilipinas at Australia.
Inaasahan din na mas tatatag pa ang partnership ng dalawang bansa sa aspeto ng cyber at critical technology, at competition law.
Ayon sa pangulo, ang tatlong kasunduan ay karagdagan sa higit 120 na kasunduan na nalagdaan ng dalawang bansa sa mga nagdaang panahon.
Ang mga ito ay may kaugnayan iba’t ibang areas of cooperation tulad ng air services, edukasyon, research, scientific cultural cooperation, at defense cooperation.