Tatlong bahay sa Occidental Mindoro, bahagyang nasira dahil sa lindol na naranasan sa Batangas

Patuloy na nakamonitor ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na nakaranas na pagyanig kahit ngayong araw ng Pasko.

Ito ay matapos na yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang bahagi ng Calatagan, Batangas, mag-a-alas-8:00 kaninang umaga.

Ayon kay Office of the Civil Defense at NDRRMC Spokesman Mark Timbal, may natanggap silang report na may tatlong kabahayan ang bahagyang napinsala ng lindol sa Lubang, Occidental Mindoro.


Hanggang sa ngayon aniya wala pang naiuulat sa kanilang casualties ng lindol pero patuloy pa rin silang nangangalap ng ulat mula sa kanilang mga tanggapan sa field.

Facebook Comments