TATLONG BARANGAY MULA SA TATLONG BAYAN SA PANGASINAN NA POSIBLENG HOTSPOTS SA BSKE 2023, INIHAYAG NG PNP PANGASINAN

Naka-alerto ang buong pwersa ng kapulisan ng Pangasinan dahil sa nalalapit na halalan pambarangay sa buwan ng Oktubre.
Inihayag ni PCol. Jeff Fanged, PNP Pangasinan Director na dahil sa mga naitalang insidente noong nakaraang eleksyon ay kinokonsidera na ng kapulisan na ang mga lugar Asingan kung saan may isang barangay kapitan ang nabaril ngunit nakaligtas, San Quintin at bayan ng Burgos ay kabilang sa areas of concern o hotspots..
Aniya pa, nag-backtracked o binalikan ng PNP ang mga insidente noong 2018 Barangay Election dahilan para ikonsidera nito na ang mga lugar bilang isang hotspots.

Dagdag pa nito na sakaling ang isang lugar ay maideklarang hotspot ay asahan na magkakaroon ng deployment ng kapulisan upang magbantay.
Inihayag naman nito na “manageable” o kayang-kaya pa ng PNP Pangasinan ang magbantay sa lalawigan ngunit kung kinakailangan ay hihingi na aniya ito ng augmentation sa PNP Regional Office.
Samantala, dahil sa patuloy na isinasagawang checkpoint, naitala ang kauna-unahang nahulian ng loose firearm na caliber-22 sa bayan ng Mangaldan. |ifmnews
Facebook Comments