Tatlong barangay sa Marawi City, nanatiling kontrolado ng Maute Terror Group

Marawi City – Tatlong Barangay pa o nasa 49 na ektarya ng Marawi City ang nanatiling kontrolado ng Maute Terror Group.

Ito ay ayon kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. batay sa kanilang huling monitoring sa sitwasyon sa Marawi City kung saan nagpapatuloy pa rin ang giyera.

Labing anim na gusali naman ang tuluyan ng na-clear ng militar sa Marawi City.


Sa ulat naman ng Armed forces of the Philippines, aabot na sa limang daan at pitungpu’t isa (571) ang namamatay sa gulo sa lungsod.

Sa bilang na ito apatnapu’t lima (45) sa mga nasawi ay mga sibilyan na pinatay umano ng teroristang grupong Maute.

Apat na raan at dalawampu’t pito naman sa mga nasawi ay mga terorista habang siyamnapu’t siyam (99) sa mga namatay ay tropa ng pamahalaan.

Umaabot na rin sa 1723 sibilyan ang nailigtas ng militar matapos maipit sa giyera habang limang daan at dalawanpu’t limang mga baril ang narekober ng militar sa lungsod.

Nagpapatuloy naman sa kasalukuyan ang combat at clearing operation sa Marawi City.

Facebook Comments