Ilang sitio o kalsada sa tatlong barangay sa lungsod ng Parañaque ang pinag-aaralang isailalim sa lockdown dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ay ang Barangay San Dionisio na may 82 kaso ng COVID-19; San Antonio, 79 at Baclaran, 49.
Ayon kay City Administrator Ding Soriano, ikinokonsidera nila ang mga nasabing barangay bilang areas of concern.
Naihiwalay naman na aniya ang lahat ng suspected at probable cases.
Samantala, pinayagan na sa ilang lungsod sa Metro Manila ang pagbabalik-kalsada ng mga tricycle.
Nauna nang nagpatupad ng balik-pasada ang lungsod ng Marikina at Pasig habang hinihintay pa ng mga tricycle driver sa Mandaluyong ang fare matrix at bagong panuntunan para sa kanilang partial operation.
Facebook Comments