Tatlong Barangay sa San Pablo, Binantayan ng Kapulisan!

San Pablo, Isabela – Mahigpit na binantayan ng PNP San Pablo ang Barangay Minanga Sur dahil sa mga napabalitang pagpapaputok ng baril ng ilang kalalakihan bago ang Barangay at SK Election.

Ayon kay Police Senior Inspector Jojo Turingan,hepe ng PNP San Pablo, aniya nagtalaga siya ng dobleng bilang ng kapulisan sa lugar matapos makarating ang nasabing pagpapaputok sa lugar upang masigurado ang seguridad at kaayusan ng barangay.

Kabilang din umano ang Barangay Simanu Sur at Norte na regular na inikutan ng PNP San Pablo ngunit naging negatibo naman ang kanilang pagresponde.


Aligasyon din umano na vote buying ang inireklamo sa kanyang tanggapan ngunit wala namang naaktuhan o ebidensya dito.

Kaugny nito, sa kabuuan ay naging maayos at tahimik ang naging eleksyon sa bayan ng San Pablo, Isabela.

Facebook Comments