Tatlong barkong pandigma ng China, nasa sa Pilipinas para sa kanilang goodwill visits

Manila, Philippines – Dumating na sa Davao City ang tatlong barkong pandigma ng China para sa isang goodwill visit.

Sinalubong ang China People’s Liberation Amry Navy ng ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Chief of Staff General Eduardo Año.

Giit ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua, ang pagbisita ng Chinese vessels ay pagpapakita ng magandang ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng sigalot sa West Philippine Sea.


Binigyan din ng tour sa barko si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ngayong araw, inaasahang bibisita si Pangulong Duterte sa mga barko.

Facebook Comments