Tatlong Bata, Naiwan at Nawala sa Kapistahan ng Our Lady of Visitation sa Guibang Isabela!

Guibang, Gamu, Isabela – Kinumpirma ng hepe ng Gamu Police Station na tatlong bata ang naiwan at nawala kahapon sa kapistahan ng Our Lady of Visitation sa Guibang, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Richard Limbo, hepe ng PNP Gamu na tatlong bata ang naiwan ng kanilang magulang at nawala dahil sa sobrang dami ng tao sa pagdiriwang ng dalawang araw na kapistahan ng Our Lady of Visitation National Shrine na nagsimula kahapon.

Aniya, kaagad naman na nakuha o naibigay sa mga magulang ang tatlong bata at wala nang iba pang naitala na anumang insidente sa feast day.


Sinabi pa ni Police Chief Inspector Limbo na simula kahapon hanggang sa ngayon ay tumulong ang ilang kapulisan ng Isabela Police Office o IPPO para mapanatili ang kaayusan sa lugar lalo na sa daloy ng trapiko sa mismong lugar.

Binigyan diin pa ng hepe na nagkaroon umano ng alternatibong daan para sa mga motorista na mula ng timog papuntang norte samantalang diretso naman sa national highway ang mga sasakyan mula norte papuntang south bound.

Samantala inaasahan pa ang pagdagsa ng mga dayuhan sa Our Lady of Visitation sa tuwing buwan ng Hulyo kung kaya’t patuloy umano ang ginawang seguridad ng kapulisan sa naturang lugar.

Facebook Comments