Tatlong batch na mga OFW mula Taipei, Dammam at Doha, Qatar dumating sa NAIA Terminal 1

Tatlong batch ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA mula Taipei, Dammam at Doha Qatar.

Unang dumating ang flight JX-785 na lumapag ito ng alas-8:44 ng umaga sa NAIA Terminal 1 sakay ang pitong OFW mula Taipei.

Habang alas-9:05 naman ng umaga lumapag ang Philippine Airlines (PAL) flight PR-5683 sa NAIA Terminal 1 lulan naman ang 374 Overseas Filipinos mula Dammam.


Kasama sa nasabing bilang ang ilang Pinoy seafarers na nakatapos na ng kontrata sa kanilang trabaho sa abroad.

Sinundan naman ito ng huling batch kung saan alas-9:19 ng umaga lumapag ang PAL flight PR-685 sa NAIA Terminal 1 lulan naman ang tinatayang 185 na mga OFW mula Doha, Qatar.

Lahat ng mga dumating na mga manggagawang Pinoy ay inalalayan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at Philippine Coast Guard sa NAIA bago sila isinakay ng bus na magdadala sa kanila sa quarantine facility na inilaan ng gobyerno kung saan sila mananatili ng ilang araw bago sila payagan na makauwi sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments