Tatlong bayan sa Lanao Del Sur, idineklarang ‘persona non grata’ ang communist terrorist group at local terrorist group‬

‭Idineklarang ‘persona non grata’ ng mga bayan ng Ditsaan-Ramain, Bubong,‬ at Buadiposo-Buntong ng Lanao Del Sur ang communist terrorist group at ‬local terrorist group.‬

‭Ayon kay 1st Lt. Charles Leiand Gregala, Civil Military Operation Officer, kahapon ng umaga nagsagawa ng mass condemnation ceremony ang mga residente ng tatlong bayan sa Ditsaan-Ramain Multi-Purpose Complex, Brgy. Ramain Proper, Ditsaan-Ramain, Lanao Del Sur.‬

‭Bukod dito, bumubuo na rin ng resolusyon ang tatlong munisipyo para makagawa ng Municipal and Barangay Task Force in Ending the Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) batay na rin sa Executive Order No. 70.‬


‭Natuwa naman si Lt. Col Rafman Altre, Commanding Officer ng 82nd Infantry Battalion ng Philippine Army, dahil sa kanilang effort na makiisa sa paglaban sa mga terorista at iba pang mga grupong nais manggulo.‬

Facebook Comments