Tatlong bayan sa North Cotabato tinututukan ng Pnp ngayong election period

41

Tinututukan ngayon ng Pnp ang tatlong bayan sa North Cotabato sa pagsisimula ng filing ng COC para sa Barangay at SK election . Ang mga bayang ito ay kinabibilangan ng Pikit, Midsayap, at Pigcawayan dahil sa tinatawag na ‘areas of concern’ ng PNP.
Sa pahayag ni Police Superintendent Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO, ibinatay niya ito sa mga nakaraang kaso ng iba’t ibang uri ng karahasan sa naturang mga lugar. Simula nitong April 14 ay ipinatupad na ng PNP ang gun ban na magtatapos sa May 21. Sa panahon na ito ay bawal na ang pagbitbit ng mga di lisensiyadong armas sa mga taong hindi awtorisadong humawak ng mga baril. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments