Tatlong Bilibid gang leaders, nag-plead ng ‘guilty’ sa kasong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nag-plead ng guilty ang tatlong bilibid gang leaders na sangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ang tatlong Bilibid inmates na umamin na guilty bilang accessories to the crime ay sina:

-Aldrin Galicia, commander ng Sputnik Gang
-Alvin Labra, commander ng Batang City Jail (BCJ) Gang
-Alfie Peñaredonda, commander ng HappyGoLucky Gang


Mas mababa ang parusa ng mga ito ay nasa dalawa hanggang walong taong pagkakakulong lamang kumpara sa mga pangunahing utak ng krimen.

Ayon kay Roy Mabasa, ang guilty plea ng mga ito ay makakatulong sa paggulong ng kaso laban kay former Bureau of Correction Chief Gerald Bantag.

Facebook Comments