Humiling ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Court of Appeals (CA) ng Writ of Habeas Corpus matapos silang ikulong sa Senado kasunod ng pagdinig ukol sa GCTA controversy.
Inaresto at ikinulong noong September 12 sa Senado sina BuCor Records and Documents Section Chief Ramoncito Roque; BuCor Records and Documents Section Legal Officer Frederic Anthony Santos; National Bilibid Prison Hospital Medical Officer Ursicio Cenas.
Nais nilang ipadeklara sa CA na ilegal ang pagdetine sa kanila ng Senado.
Iginiit nila na nilabag ng Senate Blue Ribbon Committee ng kanilang right to due process dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang kanilang panig.
Bigo rin ang Komite na ipakitang may mali sa kanilang testimonya.
Facebook Comments