Tatlong bus terminal sa EDSA na lumalabag sa Nose-In, Nose-Out Policy ipapasara ng MMDA

Manila, Philippines – Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na tatlong terminal lamang ng bus sa edsa ang kanilang ipapasara dahil sa paglabag sa ‘Nose-In, Nose-Out Policy’.

Ayon kay Bong Nebriaja, Chief Supervisor for Operation ng MMDA, mag-i-issue sila ng ‘closure order’ laban sa DLTB, Dimple Star at Roro Bus.

Bukod rito, napag-alaman rin aniyang walang permit ang mga ito.


Bibigyan naman aniya ng closure order ang Lucena Lines, Raymond Transportation, Saint Rafael Transport Lines Inc, Our Lady of Salvation Bus Line Inc, Jam Liner, Superlines Transportation Co. at Victory Liner.

Giit ni MMDA Chief of Staff Jojo Garcia, hangga’t hindi inaayos ng mga nasabing terminal ang kanilang proseso mananatiling sarado ang kanilang mga terminal.

Sa ngayon Quezon City lang aniya ang kanilang iinspeksyunin pero isusunod na rin nila ang ibang terminal sa Metro Manila.

Facebook Comments